At ito na, yong pakiramdam na aalis ka ,sari saring emosyun nanangis na animoy nagdadalamhati ang iyong mga iiwan maging ako kasabay ng mga pangakong " papa , mama o anak babalik ka ha? At tangi mong masasabi ay " oo babalik ako para sa inyo lahat ng ito kaya gagawin kong umalis upang mabuhay tayo kasabay ng pagpatak ng luha , makapag aral ka anak! Maipagamot kita Inay o Itay! Pero bumalik tayo dun sa pakiramdam na tinitimpi mong sumambulat sa'yong pagkatao, kaba, takot, takot dahil hindi mo alam ang yong dadatnan sa bansang iyong pupuntahan o maari mo pang isipin na ang isang paa mo nasa hukay sa uri ng trabahong iyong inaplayan, ngunit ang isang Pinoy ay likas na mandirigma , matapang matikas! Bagamat di kasing lakas ng loob ng ibang kababaihang susuong din sa aming pupuntahan.
Bahid ng kalungkutan at hinagpis ang mga ebang kasama namin baon ang mga litrato ng supling, asawat magulang upang kanilang maging lakas ng loob matitigan sa oras ng kanilang kalungkutan sa oras nang tapos na ang trabhong laan! Pag asa at gabay ng panginoon sa mahinang katawan at isip ng mga kababaihang aalis bilang isang OFW.
Kung may swerte nga at malas ay tunay na makatotohanan! Lalo na sa panig ng mga kababaihan nating OFW. At maging sa mga kalalakihan ay mayroong inaabot ng pagmaltrato ng mga amu, ginagahasa! Sinasaktan! At kung minsan nagiging sanhi pa ng kamatayan ng ating mga kababayan, buhay na bayani kung kami ay tawagin bagamat sa aking lubos na paniniwala ay walang bayAning buhay at doon nga kami hahantong sa kamatayan pag kamiy minalas malas,hindi ko sinasabi na lahat ng OFW. Ay may masaklap na kapalaran may mga swerte din na nakangiting uuwi sa ating bayan.
Sa mga ganitong pangyayari ang gobyerno ng Pilipinas ay kumikilos pero lubhang may kabagalan, kung salapi man ang kapalit na nakadikit sa noo ng mga kina uukulan at kulapol ang putik sa katawan na sa panlabas na anyo ang busilak na sutla ay ito ang aking dasal...
" Ama ko dugo at pawis ang pinuhunan namin ako poy nanalangin na sanay kaming lahat na nangibang bansa para sa aming pamilya at bansa ay magkabuklod buklod , magkasamang masaya, magkaroon ng habag ang mga nasa gobyerno na sa pagpanaw ng aming lakas ay mabigyan kami ng kaukulang ganti na magagasta namin sa paglabo ng aming mata at mga sakit na dadating sa amin, malamnan ang aming mga sikmurang uhaw sa kalinga ng aming mga bansa, huwag mo pong itulot na magkanya kanyang pananaw ang mga Filipino para lamang sa kanilang sariling kapakanan, hiling ko po at panawagan ay mag kaisa tayong ganap hindi po para sa atin kundi sa ating mga susunod lahi"
No comments:
Post a Comment