At sa simula ay pagkabuklod buklod ng isang masayang pamilya sa isang Mundo, at isang bansa. Ika nga ng madaming Pinoy ' Ang Aking Lupang Hinirang" ngunit sa paglipas ng panahon simula ng ang isang batang Pinoy ay isinilang mula sa sinapupunan ng kanyang butihing Ina hanggang sa siyay lumaki magka- isip at pumasan ng Responsibilidad bilang Myembro ng isang matatawag na Pamilya ganun din naman ng isang mamayang Filipino ay kaakibat na sa ating pagkatao ang ating ilang responsibilidad sa ating bansa bilang isang Filipino
Sa murang gulang ng ating pagkatao ay hinuhubog natin ang ating katawan ,isipan, kaluluwa o sa pang espiritwal at pakikisalamuha sa lahat, sa madaling salita ay hinuhubog natin ang ating mga sarili upang may lakas tayong sumagupa sa hamon ng buhay. Paglinang sa mga kakayahang pwede nating magamit pagdating ng araw nag aaral tayo sa mga eskwelahang makakatulong bilang gabay natin upang makahanap tayo ng mabuting trabaho, bagamat iilan lang ang pinalad na makamit ang tunay na tagumpay ika nga'y nakakabit pa din ang salitang "swerte at malas".hubog na pagakatao at handang sumuong sa hamon ng buhay!, Trabaho ang kailangan ko at kailangan ng isang pangkaraniwang Pinoy na oo nga't mayroon sa ating sariling bayan o bansa ngunit para lamang sa mga pinalad na makahanap nito,samakatuwid ay hikahos at di sapat para bumuhay at pakainin ang isang pamilya,kaya wala akong pag asa sa Pilipinas kasama ako sa mga di pinalad magkaroon ng magandang buhay sa sarili kong bayan at ang kagamutan upang maisalba ko ang aking pamilya ay mangibang bansa upang magtrabaho, kumayod para sa aking pamilya mabigyan sila ng Hindi man kumpletong pananagana o liglig, hitik sa biyaya ay makakaraos din kami gaya ng aking magiging mga kasama doon, Bilang isang "OFW."
At ito na, yong pakiramdam na aalis ka ,sari saring emosyun nanangis na animoy nagdadalamhati ang iyong mga iiwan maging ako kasabay ng mga pangakong " papa , mama o anak babalik ka ha? At tangi mong masasabi ay " oo babalik ako para sa inyo lahat ng ito kaya gagawin kong umalis upang mabuhay tayo kasabay ng pagpatak ng luha , makapag aral ka anak! Maipagamot kita Inay o Itay! Pero bumalik tayo dun sa pakiramdam na tinitimpi mong sumambulat sa'yong pagkatao, kaba, takot, takot dahil hindi mo alam ang yong dadatnan sa bansang iyong pupuntahan o maari mo pang isipin na ang isang paa mo nasa hukay sa uri ng trabahong iyong inaplayan, ngunit ang isang Pinoy ay likas na mandirigma , matapang matikas! Bagamat di kasing lakas ng loob ng ibang kababaihang susuong din sa aming pupuntahan.
Bahid ng kalungkutan at hinagpis ang mga ebang kasama namin baon ang mga litrato ng supling, asawat magulang upang kanilang maging lakas ng loob matitigan sa oras ng kanilang kalungkutan sa oras nang tapos na ang trabhong laan! Pag asa at gabay ng panginoon sa mahinang katawan at isip ng mga kababaihang aalis bilang isang OFW.
Kung may swerte nga at malas ay tunay na makatotohanan! Lalo na sa panig ng mga kababaihan nating OFW. At maging sa mga kalalakihan ay mayroong inaabot ng pagmaltrato ng mga amu, ginagahasa! Sinasaktan! At kung minsan nagiging sanhi pa ng kamatayan ng ating mga kababayan, buhay na bayani kung kami ay tawagin bagamat sa aking lubos na paniniwala ay walang bayAning buhay at doon nga kami hahantong sa kamatayan pag kamiy minalas malas,hindi ko sinasabi na lahat ng OFW. Ay may masaklap na kapalaran may mga swerte din na nakangiting uuwi sa ating bayan.
Sa mga ganitong pangyayari ang gobyerno ng Pilipinas ay kumikilos pero lubhang may kabagalan, kung salapi man ang kapalit na nakadikit sa noo ng mga kina uukulan at kulapol ang putik sa katawan na sa panlabas na anyo ang busilak na sutla ay ito ang aking dasal...
" Ama ko dugo at pawis ang pinuhunan namin ako poy nanalangin na sanay kaming lahat na nangibang bansa para sa aming pamilya at bansa ay magkabuklod buklod , magkasamang masaya, magkaroon ng habag ang mga nasa gobyerno na sa pagpanaw ng aming lakas ay mabigyan kami ng kaukulang ganti na magagasta namin sa paglabo ng aming mata at mga sakit na dadating sa amin, malamnan ang aming mga sikmurang uhaw sa kalinga ng aming mga bansa, huwag mo pong itulot na magkanya kanyang pananaw ang mga Filipino para lamang sa kanilang sariling kapakanan, hiling ko po at panawagan ay mag kaisa tayong ganap hindi po para sa atin kundi sa ating mga susunod lahi"